
Ang Simbahang Katoliko Romano ay ang pinakamalaking
simbahang Kristiyano, na nagkakatawan sa kalahati ng lahat ng mga Kristiyano,
at ang pinakamalaking organisadong unit ng anumang pananampalataya sa mundo. Ayon sa Statistical
Yearbook of the Church, ang bilang ng nakatalang pandaigdigang kasapi ng
Simbahang Katoliko sa katapusan ng 2005 ay 1,114,966,000, na malapit sa
ika-anim na bahagi ng populasyon ng mundo.
Ang pandaigdigang Simbahang Katoliko ay binubuo ng isang Latin o Kanluranin at 22 Silanganing
Katolikong nagsasariling simbahang partikular,
kung saan lahat ay tumitingala sa Papa, na mag-isa o kasama ng Kolehiyo ng mga Obispo,
bilang kanilang pinakamataas na autoridad sa daigdig sa mga paksa ng
paniniwala, mga asal at ng pansimbahang pamamahala. Nakahati ito sa
mga nasasakupang pook, karaniwan sa batayang teritoryal. Ang pamantayang
teritoryal na yunit ay itinatawag na diyosesis sa simbahang Latin at eparkiya sa mga Silanganing simbahan. Ang bawat
diyosesis o eparkiya ay nasa pamumuno ng isang obispo,patriyarka o eparko. Sa katapusan ng 2006, ang buong bilang
ng lahat ng itong mga nasasakupang pook ay 2,782.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento